Friday, June 16, 2017



Mga Paksa’t Pigura Ukol sa Sinacaban, Misamis Occidental sa pamumuno ni Mayor Crisinciano "Cris" E. Mahilac.





Ang ika-limang antas na munisipalidad ng Sinacaban, na pinamumunuan ni Mayor Crisinciano E. Mahilac, ay matatagpuan sa ikalawang distrito ng Misamis Occidental, isang probinsya ng Hilagang Mindanao (Rehiyon X) sa Republika ng Pilipinas.  Itinatag ito noong Agosto 30, 1949, at may kabuuang sukat na 99.09 km(38.26 square miles).

Ang Sinacaban ay binubuo ng 17 mga barangay: Cagay-anon, Camanse, Colupan Alto, Colupan Bajo, Dinas, Estrella, Katipunan, Libertad Alto, Libertad Bajo, Poblacion, San Isidro Alto, San Isidro Bajo, San Vicente, Senor, Sinonoc, San Lorenzo Ruiz (Sungan), at Tipan.

Patuloy ang pagliit at paglago ng populasyon ng Sinacaban mula pa noong 1990, sa dami na 14,846 mga mamamayan, na bahagyang bumaba ng 0.14% noong 1995 sa bilang na 14,735.  Ang 1.82% pagtaas naman noong taong 2000 ay umani ng populasyon na 16,030, at sinundan ng karagdagang 0.63% noong 2007 sa dami na 16,772.  Ang pinakamataas na itinalang antas ng populasyon ay noong 2010, na lumaki ng 3.83% para sa raming 18,597 katao.  Sa ulat ng senso noong 2015, ang populasyon ay bumaba lang ng 0.21%, para sa kabuuang bilang na 18,391 na mga residente, na may densidad na 190/km2 (480 square miles).

Sa huling tala ng 2016, may 13,758 na mga rehistradong botante sa bayan ng Sinacban.  Ang kasalukuyang alkalde ay si Crisinciano E. Mahilac, at ang bise alkalde ay si Bernardino Tiu, Sr.  Ang panlalawigang gobernador ng Misamis Occidental ay si Herminia M. Ramiro, habang ang bise gobernador ay si Aurora Virginia M. Almonte.  Ang sangguniang panlalawigan ay binubuo ng sumusunod na mga miyembro: Zaldy G. Daminar, Richard T. Centino, Roy M. Yap, Lel M. Blanco, at Pablo Stephen C. Ty para sa unang distrito; Mena A. Luansing, Emetrio B. Roa, Sr., Octavio O. Parojinog, Jr., Dan M. Navarro, at Tito B. Decina para sa ikalawang distrito (kung saan kasama ang Sinacaban).
Mayroong mga 23 pampublikong paaralan sa Sinacaban, 20 sa mga ito ang nasa ilalim ng pangunahin o elementaryang edukasyon.  Sila ang mga sumusunod: Libertad Alto Elementary School, Libertad Bajo Elementary School, San Isidro Alto Elementary School, San Lorenzo Ruiz Elementary School, Cagay-Anon Elementary School, San Vicente Elementary School, Caraghanan PS, Colupan Alto Elementary School, Colupan Bajo Elementary School, Dinas Elementary School, Senor Elementary School, Sinonoc Elementary School, San Vicente ES Annex, Estrella Elementary School, San Isidro Bajo PS, Camanse Elementary School, Katipunan Elementary School, Libertad Bajo PS, Sinacaban CS, at Tipan Elementary School.
Samantala, mayroon lang 3 pampublikong haiskul sa Sinacaban.  Ito ang: St. Joseph High School, Sinonoc National High School, at Katipunan National High School.
Makikita sa Sinacaban ang dalawa sa pinaka-prominenteng pook turismo sa Misamis na labis na pinagsikapan at pinagsisikapan pa na pagyamanin ng administrasyon ni Mayor Crisinciano E. Mahilac.  Isa sa mga ito, ang Sinakbang  Beach Resort, ay isang popular na tropical resort na naikukumpara sa mga tabing-dagat ng Boracay.  Naaayon para sa mga handaan, espesyal na okasyon o bakasyong pampamilya, ito ay matatagpuan sa Barangay Poblacion, mga isang kilometro mula sa municipal hall na nakapuwesto sa lansangang-bayan.
Ang Misamis Occidental Aquamarine Park ay isang diving destination at marine mammal habitat, kung saan ang pinaka-kilalang atraksyon ay ang Dolphin Island, isang kanlungan para sa mga naisalbang dolpin kung saan sila inaalagaan hanggang sa maaari na silang pakawalang muli sa karagatan.  Ang MOAP ay mayroon ring isang wildlife park, kung saan nakalagak ang iba’t-ibang uri ng mga hayop na karamiha’y katutubo sa ating bansa.


Cris Mahilac

Crisinciano Mahilac

Crisinciano E. Mahilac

Cris E. Mahilac

Mahilac

No comments:

Post a Comment